Wednesday, April 25, 2007

Optimus Prime's Trailer

Matagal ko na gusto malaman sagot nito. Matagal ng bumabagabag sa isip ko ang tanong na ito mula nung bata pa ako.

Hindi ko alam kung sino ang aking lalapitan. Wala sa lahat ng mga pinagtanungan ko ang may alam. Hindi ako kuntento sa mga sagot na binigay ng mga nagtangkang sagutin ang tanong kong ito.

Ako'y uhaw na sa katotohanan. Ilang beses ko na rin gustong sumuko sa paghanap ng kasagutan.

Hindi ako sumuko. Ayaw ko sumuko. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na balang araw ay malalaman ko na rin ang sagot dito. Balang araw ako'y magiging malaya sa pagkabagabag na dulot nito.

Fast Forward tayo ng ilang years...

Matanda na ako at marami na nabago sa mundong kinatatayuan ko. Sa panahon ngayon madali ka na makakuha ng mga impormasyong kailangan mo.Lahat ng nais mo ay madali mo nang maangkin dala ng mabilisang pagbabago ng teknolohiya.

Sa panahong ito nakuha ko na rin ang sagot na inaasam ko.

Sa wakas natapos na rin ang ang aking paghihirap. Tapos na ang aking paghahanap. Malaya na ako.

Alam ko na kung saan pumupunta ang trailer ni Optimus Prime pag nagtatransform siya!

Sa mga nakakaalala sa cartoons dati pag nagtatransform si Optimus Prime from truck mode to robot mode mapapansin mong bigla na lang mawawala ang trailer nya. Babalik na lang ito kung magtatransform siya pabalik ng truck mode. Agad tinignan ng mga pinagtanungan ko sa toy forum kung ano nangyayari sa trailer during transformation gamit ang kanilang mga resources. Pinanood uli nila ang kanilang mga DVD collection. Nung tinignan daw nila ang transformation sequence in slow-mo nakita nilang umaatras yung trailer hanggang mawala sa view ng camera. Naconclude nilang nagtatago lang daw trailer nya.

Hindi ako kuntento sa sagot na ito. Agad akong humingi ng saklolo sa Wikipedia.

Ito ang sagot na nakuha ko.

"The original Optimus Prime transforms into a late 70's or early 1980s Freightliner LLC cab-over-engine (COE) semi-trailer truck, comprising three components. The truck's cab transforms into the robot mode of Prime himself, with vast strength and armed with a laser rifle. Within his chest is contained the mystic talisman known as the Autobot Matrix of Leadership (or Creation Matrix), carried by all Autobot leaders and passed down through the ages. The truck's trailer disconnects and transforms into the Combat Deck, a mobile battle-station/command headquarters with an "Auto-Launcher" robot armed with assorted artillery and beam weapons. It can also serve as radio antenna for battlefield communications between the Autobots. The Combat Deck can launch Prime's third component, Roller, a mobile scout buggy that can easily slip behind enemy lines; when Roller is present somewhere, it is as if Prime is there himself. Injury to one component is felt by each of the others, and while Prime could survive the destruction of either, despite the slight degree of autonomy they possess, the Combat Deck and Roller would not be able to survive without him."

Ano daw? Teka kuha muna ko tissue kasi dumugo ilong ko...

Hindi lahat ng episodes nafifeature ang Combat Deck. Hindi naman ito lagi nagagamit. At kung laging nagiging combat deck ito dapat neextra pa rin ito during battle scenes kahit minsan lang.

Siguro nga nagtatago ito... Nah.

Tinuloy ko uli ang aking investigation and research at nahanap ko rin ang pinakapossible na sagot dito.

Sa Transformers Universe meron tayong tinatawag na "Mass Reduction" kung saan may abilidad ang mga ang mga Transformers na magpaliit ng mga components nila. Ang pinakamagandang example dito ay si Megatron.

"Megatron transforms into a Walther P38 pistol, delivering more focused energy blasts. He can shrink and reduce his mass as he transforms, assuming sizes that comfortably allow either another Transformer or even a human being to wield him. In one instance (the episode "Dinobot S.O.S."), he retained his full size and connected to jet-mode Starscream's underside."

Mass reduction din ang ginagamit ni Soundwave pag nagiging microcassette recorder siya at ni Perceptor kapag nagtatransform siya as a microscope.

So in conclusion since may abilidad silang magpalaki at magpaliit ng mga components it follows na pinapaliit ni Optimus Prime ang trailer nya para maitago ito at kung kelangan na nya during transformation lumalabas ito, lumalaki, at kumakabit sa kaniya sa truck mode. Meron din akong nabasa na yung space na nawala sa pagreduce ng mass ito ay kanilang nilalagay sa isang dimension at ito'y kanilang kukunin pag kailangan na (sana applicable din ito sa mga bilbil ko...).

Pero hindi pa ako tapos. Tinuloy ko pa rin research ko at marami pa ako nakita.

Lahat ng mga kakabanggit ko ay applicable lamang sa Optimus Prime sa Generation 1 cartoon series. Paano naman yung mga ibang version nya?

No problem. Halos lahat naman ng mga alternate modes ng mga ibang versions nya ay hindi gumagamit ng trailer: Gorilla siya sa Beast Wars na series, White Lion sa Beast Wars II na series, Woolly Mammoth sa Beast Wars Neo na series, at Fire Engine siya sa Robots In Disguise na series.

Pero paano yung mga versions na may trailer siya?

Two words... Supermode (one word ba ito???)

Sa mga ibang versions niya may mga modes na dumidikit ang trailer sa kaniya pag nagtatransfrom siya: sa Super-God Masterforce na series nagcocombine sila ng kaniyang trailer pag nagiging Super Ginrai at sa Armada na series nagcocombine din sila ng kaniyang trailer para sa Super Mode na form nya.

Ok na ba tayo dito? Siguro naman marami din kayong natutunan sa akin. Siguro naman hindi lang ako ang naghahanap ng kasagutan dito.

Salamat sa pagbabasa. Iwan ko muna kayo kasi may bago akong nireresearch...

Bakit laging inuuna ni Superman ang pagsuot ng pantalon bago nya isuot brief nya?

0 comments:

Template Designed by Douglas Bowman - Updated to Beta by: Blogger Team
Modified for 3-Column Layout by Hoctro